Maglulunsad ng malawakang pagbakuna kontra rabies at microchipping ng mga alagang aso ang lokal na pamahalaan ng San Agustin, Romblon, sa pangangasiwa ng Municipal Agricultural Office at Military Veterinarians.
Ang programa ay magsisimula sa isang launching event na gaganapin sa D’Dome sa darating na Nobyembre 25.
Pagkatapos ng opisyal na pagsisimula, magtutungo ang grupo sa mga barangay upang ipagpatuloy ang programa sa barangay-level mula Nobyembre 26-28.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng bayan para masiguro ang kaligtasan ng mga residente mula sa rabies at mas maayos na pangangasiwa sa mga alagang hayop.
Kaugnay nito, kamakailan ay tinalakay ng lokal na pamahalaan ang panukalang ordinansa para sa mandatoryong microchipping ng mga alagang aso sa bayan. Ang microchipping ay makakatulong sa pagkakakilanlan ng mga alaga, habang ang pagbakuna naman ay magbibigay proteksyon laban sa rabies.
Discussion about this post