Nagkaloob ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA ng ₱600,000 livelihood assistance sa PINAPOG SLP Association sa Barangay Binongaan, San Agustin, Romblon upang makapagtatag ng negosyong General Merchandise para sa 20 miyembro nito.
Sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP), ginamit ang tulong bilang puhunan para sa community-based business na opisyal nang nagsimula ng operasyon noong Hulyo 29, 2026.
Layunin ng negosyo na magbigay ng karagdagang pagkakakitaan at mapagkukunan ng kita sa mga miyembro ng asosasyon, habang binibigyan sila ng pagkakataong sama-samang pamahalaan at patakbuhin ang kanilang negosyo.
Ayon kay DSWD MIMAROPA Officer-in-Charge Princess Tagra Vagilidad, mahalaga ang mga livelihood intervention upang matulungan ang mga komunidad na magkaroon ng sariling pinagkukunan ng kita at mapalakas ang kanilang kakayahang maging self-reliant.
“This enterprise provides members of PINAPOG SLP Association with an opportunity to turn livelihood assistance into a sustainable source of income. We encourage them to continue working together, manage their business responsibly, and maximize this opportunity for the benefit of their families and community,” ani Vagilidad.
Nagpasalamat naman ang mga miyembro ng asosasyon sa ipinagkaloob na tulong at nangakong aktibong makikibahagi sa pamamahala at operasyon ng negosyo.
Nangako rin silang maayos na pamamahalaan ang enterprise upang mapanatili ang operasyon nito at patuloy na makinabang ang mga miyembro ng asosasyon.
Ang Sustainable Livelihood Program (SLP) ay nagbibigay ng livelihood assistance at enterprise development opportunities sa mga organisadong grupo sa komunidad upang suportahan ang pagkakaroon ng kita at pakikilahok sa gawaing pang-ekonomiya. (PR)



































Discussion about this post