Bubuksan na sa darating na Linggo, August 8, ang bagong tayong food park sa bayan ng Cajidiocan sa Sibuyan Island, Romblon.
Ang Pueblo de Sibuyan, Island Food Park na inaasahang magtataglay ng aabot sa walong (8) restaurants ay matatagpuan sa Barangay Poblacion.
Maliban sa mga lokal na pagkain mula sa Sibuyan, matitikman rin sa nasabing food park ang ilang paborito ngayon ng mga kabataan katulad ng Milktea, Pizza, Unliwings, Korean Foods, Lechon, Pastra, at Fries Burger.
Hindi lang pagkain ang magiging dahilan sa pagbisita mo rito dahil maging ang view mula sa second floor ng nasabing food park ay napakaganda rin at siguradong mai-enjoy mo ang nature vibes ng isla.