Patuloy ang clearing operation ng Lokal na Pamahalaan ng Alcantara sa mga daluyan ng tubig matapos makaranas ng pagbaha ang ilang kabahayan sa Barangay Poblacion, Lawan, Madalag at Gui-ob dahil sa malakas na pag-ulan nitong mga nakaraang araw.
Inaalis ng mga tauhan ng lokal na pamahalaan ang mga nakaharang sa mga ilog, kanal at iba pang daluyan ng tubig upang mapabilis ang agos at makatulong na maiwasan ang paglala ng pagbaha sa mga komunidad.
Kasabay nito, pinaalalahanan ang mga residente na huwag magtapon ng basura sa mga kanal, ilog at iba pang daluyan ng tubig dahil maaari itong magdulot ng pagbabara at pag-ipon ng tubig.
Patuloy namang minomonitor ng lokal na pamahalaan ang mga lugar na madaling bahain at nagsasagawa ng mga kinakailangang hakbang upang mabawasan ang epekto ng malakas na pag-ulan sa mga residente.



































Discussion about this post