Tatlumpung kalahok mula sa Isang Bansang Pilipino (IBP) Organization ang sumailalim sa pagsasanay sa pag-aalaga ng bangus sa fishcage bilang bahagi ng mga hakbang na naglalayong mapalakas ang sektor ng pangisdaan sa Romblon.
Isinagawa ang dalawang araw na Training on Milkfish Culture in Fishcage noong Agosto 13–14, 2026 sa Looc Municipal Function Hall.
Pinangunahan ito ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)–Regional Fisheries Training and Fisherfolk Coordination Division sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Looc.
Tinalakay sa training ang mga wastong pamamaraan sa pagpapalaki at pag-aalaga ng milkfish o bangus sa fishcage, kabilang ang mga mahahalagang konsiderasyon sa produksyon at pamamahala ng fishcage.
Nagbahagi naman sina Danny Domingo, Jerry Guyo, Kevin Relente at Aiko T. Fajarito ng kanilang kaalaman at praktikal na pamamaraan sa milkfish culture.
Sa pamamagitan ng pagsasanay, nadagdagan ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok na maaari nilang gamitin sa pagpapaunlad ng kanilang mga gawaing pangisdaan at pagkakakitaan.
Inaasahang makatutulong ang naturang capacity-building activity sa pagpapalakas ng aquaculture at fish production sa Looc at sa patuloy na pagpapaunlad ng industriya ng pangisdaan sa Romblon.



































Discussion about this post