Patok na pasyalan ngayon para sa mahilig mag hike ang isang lugar sa bayan ng Cajidiocan sa Sibuyan Island, Romblon na tanaw ang buong Poblacion at ang ganda ng dagat.
Ito ay ang Cajidiocan View Deck na nasasakupan pa ng boundary ng Brgy. Sugod at Brgy. Gutivan.
Ayon kay Sangguniang Bayan member Marvin Greggy Ramos, isa sa mga nakaakyat na sa lugar, galing Poblacion pwedeng puntahan ang lugar gamit ang motorsilo at pagdating sa entro point ay maglalakad na paakyat.
Aabutin ng hanggang 45mins hanggang isang oras ang paglalakad patungo sa camp site, na isa na sa mga pinapasyalan ng mga taga-Sibuyan ngayong pandemic.
Pagdating mo sa taas, bubungad sayo ang kulay asul na dagat at ang tahimik na bayan ng Cajidiocan.
Libre pa pumunta rito sa ngayon kaya inaanyayahan ang mga mahilig umakyat ng bundok na subukan na itong Cajidiocan View Deck.