Bilang tulong sa mga naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo sa probinsya ng Catanduanes, ang lokal na pamahalaan ng San Agustin ay magbibigay ng financial aid para makatulong sa pag bangon ng mga residente dito.
Kahapon ay pinulong na ni Mayor Denon Madrona ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council upang talakayin ang planong ito.
Ang nasabing halaga ay kukunin sa calamity fund ng lokal na pamahalaan ng San Agustin.
Sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Catanduanes, sa bayan lamang ng Panganiban na dinaanan ng Super Typhoon Pepito ay mahigit 500 na bahay na ang nasira.
May mga bahay ding nasira sa mga bayan ng Caramoran at sa Bagamanoc.
Discussion about this post