Itataya ni Jon Jones (27 wins, 10 via knockout, 7 via submission, 10 via decision, with 1 loss, and 1 No Contest) ang kanyang UFC Heavyweight Championship laban kay Stipe Miocic (20 wins, 15 via knockout, 5 via decision, 4 losses) sa Ultimate Fighting Championship 309 main event sa November 17, 2024, sa Madison Square Garden sa New York City, USA.
Orihinal na nakaiskedyul noong November 2023, ang laban ay naantala nang masaktan si Jones bago ang laban, kaya’t kinailangan ng UFC na maglabas ng Interim Heavyweight Title. Para rito, nagtunggali sina Tom Aspinall ng England at Sergei Pavlovich ng Russia, na napanalunan ni Aspinall.
Pagkatapos ng paggaling ni Jones mula sa kanyang injury, inihanda ng UFC ang kanyang laban kay Aspinall upang pag-isahin ang Heavyweight Title. Ngunit mas pinili ni Jones, 37, na ituloy ang naudlot na laban kay Miocic kaysa sa rematch kay Aspinall. Si Jones, na dating naging inactive sa MMA sa loob ng tatlong taon, ay huling lumaban noong March 2023 para sa bakanteng Heavyweight Title laban kay Ciryl Gane, na kanyang napanalunan. Si Miocic naman, dating 42-year-old UFC Heavyweight Champion, ay huling nasilayan noong March 2021 nang matalo siya kay Francis Ngannou sa kanilang rematch. May mga ulat ding maaaring magretiro si Miocic mula sa MMA pagkatapos ng laban na ito.
Ayon kay UFC President Dana White, ang magwawagi sa Jones vs. Miocic ay lalaban kay Aspinall, ngunit maaari ring maging contender si Alex Pereira sa hinaharap.
Narito rin ang ilan sa mga naka-lineup na laban sa UFC 309 main card:
- Charles Oliveira vs. Michael Chandler 2 – Lightweight Division
- Bo Nickal vs. Paul Craig – Middleweight Division
- Viviane Araújo vs. Karine Silva – Women’s Flyweight Division
- Mauricio Ruffy vs. James Llontop – Lightweight Division
Inaasahan na magiging masigla ang laban nina Jones at Miocic, na parehong may pambihirang kasaysayan sa MMA, at magiging mahalagang yugto para sa UFC Heavyweight Title.