Dalawang senior citizen sa Barangay Danao, Cajidiocan ang nabigyan ng bagong naayos na bahay at iba pang tulong sa pamamagitan ng sama-samang inisyatiba ng mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) bilang bahagi ng paggunita sa National Disaster Resilience Month 2026.
Ang bahay ng dalawa ay nasira dahil sa nagdaang bagyo.
Ayon sa Cajidiocan Public Information Office, tinupad ni Mayor Atty. Marvin Ramos ang kanyang naunang pangako na tutulungan siyang maipagawa ang kanyang tahanan.
Bukod sa pagkukumpuni ng mga bahay, tumanggap din ang mga benepisyaryo ng mga kagamitang pangkusina, isang sakong bigas, hygiene kits, mga unan, kumot, at pinansyal na tulong upang makatulong sa kanilang pagbangon.
Naisakatuparan ang proyekto sa pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Cajidiocan, Barangay Danao, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), MDRRMO, mga opisyal ng barangay, at mga residente.
Dagdag ng PIO, ipinakita ng inisyatiba ang diwa ng bayanihan at ang kahalagahan ng koordinasyon ng iba't ibang ahensya at ng komunidad sa mabilis na pagtulong sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad.



































Discussion about this post