Nagkaisang inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Romblon ang isang resolusyon na mariing tumututol sa lahat ng large-scale metallic mining sa Sibuyan Island at humihiling kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa Kongreso ng Pilipinas na ideklara ang isla bilang large-scale mining-free.
Inaprubahan ang resolusyon noong Hulyo 31 sa ginanap na ika-26 na Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan.
Nakasaad din sa resolusyon ang panawagan kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Juan Miguel Cuna na agad na repasuhin at bawiin ang lahat ng umiiral na mining agreements, operasyon, at mga aplikasyon para sa pagmimina sa loob ng teritoryo ng Sibuyan Island.
Nagkakaisang inaprubahan ang resolusyon ng lahat ng dumalong mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at mga ex-officio members.
Ang hakbang ay kasunod ng sunod-sunod na panawagan ng iba't ibang sektor sa Romblon na pangalagaan ang likas na yaman ng Sibuyan Island at tutulan ang malawakang pagmimina sa isla.



































Discussion about this post