Opisyal nang nag-isang dibdib ang 15 na magkasintahan sa isinagawang Kasalang Bayan ng Lokal na Pamahalaan ng Santa Maria noong July 28.
Isinagawa ang mass wedding sa Concepcion Sports Complex/Sta. Maria Municipal Hall, kung saan nabigyan ng libreng pagkakataon ang mga live-in partners at iba pang magkaparehang nais gawing legal ang kanilang pagsasama nang walang malaking gastusin.
Pinangunahan ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan ang seremonya, kabilang ang pagpapalitan ng panunumpa at singsing ng mga bagong kasal.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng programa na palakasin ang pundasyon ng pamilyang Pilipino at matulungan ang mga mag-asawa na magkaroon ng legal na dokumento ng kasal na magagamit para sa kanilang pamilya at mga anak.
Naging makulay ang pagdiriwang sa temang lavender at puti, na sinabayan ng tradisyunal na paghiwa ng wedding cake at toast bilang pagdiriwang ng bagong yugto ng buhay ng mga bagong kasal.



































Discussion about this post