Nakuha ng Alcantara St. Pius ang kampeonato ng Botika Cup Inter-Town Basketball Tournament 2024 matapos talunin ang Mabuhay San Agustin sa finals sa score na 88–79. Ang laban ay ginanap sa bagong gawang D’Dome sa bayan ng San Agustin, Romblon mula August 19 hanggang 26, 2024.
Ang Botika Cup Inter-Town Basketball Open Tournament ay isa sa mga pangunahing atraksyon ng Kalipayan Festival ng San Agustin, na naganap mula August 19 hanggang 28, 2024. Ang basketball tournament na ito ay isa sa mga pinakamalaking event sa probinsya ng Romblon, dahil sa partisipasyon ng pitong malalakas na koponan at mga kilalang manlalaro.
Kabilang sa mga koponang sumali sa torneo ay ang Calatrava KLFBT–CBA Pioneers, Odiongan Kantomart, Romblon PDIS, San Agustin Ballers, Marianellan Steel Roof Trading Alcantara, at ang dalawang koponang nagharap sa finals, ang Mabuhay San Agustin at Alcantara St. Pius.
Naging kapana-panabik ang bawat laro dahil bukod sa mga lokal na manlalaro, lumahok din ang ilang mga kilalang players mula sa PBA, MPBL, PBA D-League, PBA 3×3, UAAP, at NCAA. Kabilang sa mga notable na manlalaro ay sina Jorey Napoles, Richard Velches, Tonton Peralta, James Milton, Charles Collano, Reiner Quinga, Douanga Lenda, Malick Diouf, Ik Akpuru, Rodel Vaygan, Jafet Claridad, at ang mga Romblon native na sina Jordan Rios, Allan Rance, Thyrone Dela Cruz, Ramsie Fradejas, Roman Maestro, at Adrianne Eneria.
Ang Botika Cup Inter-Town Basketball Open Tournament ay sponsored nina Congressman Budoy Madrona, Governor Otik Riano, at Vice Governor Arming Gutierrez. Ang kampeon na Alcantara St. Pius ay mag-uuwi ng P150,000 na premyo. Ang Mabuhay San Agustin ay tatanggap ng P100,000, ang San Agustin Ballers na nasa 3rd place ay makakakuha ng P75,000, at ang Odiongan Kantomart na pumuwesto sa 4th place ay makakakuha ng P50,000.