Naramdaman sa iba't ibang bahagi ng Romblon ang Magnitude 5.8 na tectonic earthquake na naitala bandang alas-10:38 ng umaga ngayong Agosto 7, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 21 kilometro timog-kanluran ng Mamburao, Occidental Mindoro, na may lalim na 10 kilometro.
Batay sa instrumental intensity ng PHIVOLCS, Intensity II ang naitala sa Odiongan, Romblon, na karaniwang inilalarawan bilang mahinang pagyanig na nararamdaman ng ilang tao, lalo na ng mga nasa loob ng gusali.
Bukod sa Romblon, naranasan din ang pagyanig sa ilang bahagi ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, CALABARZON, at ilang lugar sa Metro Manila.
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan ng lindol. Wala namang inaasahang tsunami at wala ring agarang naitalang malaking pinsala o nasawi kaugnay ng insidente.
Patuloy namang pinaaalalahanan ng PHIVOLCS ang publiko na maging alerto sa posibleng aftershocks at sundin ang mga itinakdang earthquake safety protocols.



































Discussion about this post