Sinimulan na ng Lokal na Pamahalaan ng Odiongan ang pamamahagi ng tig-5 kilong bigas sa tinatayang mahigit 15,500 pamilya sa buong bayan sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF) ng pambansang pamahalaan.
Ang rice assistance ay bahagi ng programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na naglalayong makatulong sa mga pamilya sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at mapalakas ang food security sa mga lokal na komunidad.
Ayon sa lokal na pamahalaan, isinasagawa ang pamamahagi sa lahat ng barangay batay sa itinakdang iskedyul upang matiyak na maayos at mabilis na maiparating ang ayuda sa mga benepisyaryo.
Inaasahang makukumpleto ang distribusyon ng bigas sa lahat ng target na pamilya hanggang Biyernes.



































Discussion about this post