Ilang nakatakdang biyahe ng mga barko papasok at palabas ng Romblon ang kinansela ngayong Sabado, Agosto 8, dahil sa masamang lagay ng panahon at umiiral na gale warning sa mga karagatan ng bansa.
Kabilang sa mga kanseladong biyahe ang Batangas–Odiongan at vice versa at Lucena–San Agustin–Romblon at vice versa ng Montenegro Shipping Lines, gayundin ang Batangas–Sibuyan at vice versa ng Starlite Ferries Inc.
Samantala, nanatiling may biyahe ang Starhorse Shipping Lines mula Lucena at 2GO Travel mula Batangas, batay sa mga abisong inilabas ng mga shipping company.
Isinagawa ang kanselasyon bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga pasahero at tripulante dahil sa hindi ligtas na kondisyon ng karagatan.
Pinapayuhan ng Romblon Provincial Information Office ang mga biyahero na makipag-ugnayan muna sa kanilang shipping line para sa pinakahuling iskedyul bago magtungo sa pantalan.



































Discussion about this post