Nagdulot ng pagtaas ng lebel ng tubig sa mga ilog at kalsada sa lalawigan ng Romblon ang malalakas na pag-ulan dulot ng Habagat o Southwest Monsoon nitong Biyernes, August 7.
Maaga pa lamang ay nararanasan na ang tuloy-tuloy na pag-ulan sa mga bayan ng Odiongan hanggang sa southern part ng Tablas Island, dahilan upang magsuspinde ng klase ang ilang lokal na pamahalaan bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga mag-aaral.
Sa Alcantara, tumaas ang tubig sa ilang bahagi ng kalsada sa Barangay Poblacion, habang sa Ferrol ay pansamantalang hindi madaanan ang isang bahagi ng national road sa Barangay Claro M. Recto dahil sa pag-apaw ng tubig.
Patuloy namang minomonitor ng mga lokal na pamahalaan at disaster response offices ang sitwasyon sa iba't ibang bayan habang nananatili ang banta ng patuloy na pag-ulan.
Pinapayuhan ang publiko na umiwas sa mga lugar na binabaha at mag-ingat sa pagtawid sa mga kalsada at ilog, gayundin ang patuloy na pagsubaybay sa mga abiso ng mga lokal na awtoridad at PAGASA habang umiiral ang habagat.



































Discussion about this post