Nakipagpulong si Romblon Lone District Rep. Eleandro Jesus “Budoy” Madrona sa mga lokal na opisyal ng Odiongan upang alamin ang kalagayan ng mga barangay na naapektuhan ng patuloy na pag-ulan at pagbaha.
Ayon sa tanggapan ni Madrona, tinalakay sa pagpupulong ang mga lugar na nangangailangan ng agarang atensyon at ang mga pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha.
Sinabi ni Madrona na mahalaga ang mabilis na koordinasyon sa pagitan ng mga lokal na opisyal upang matukoy ang mga lugar na nangangailangan ng agarang atensyon at maiparating ang mga pangangailangan ng mga komunidad.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag din ni Madrona ang panalangin para sa kaligtasan ng mga pamilya at komunidad sa iba't ibang bahagi ng Romblon na patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan at pagbaha.



































Discussion about this post