Nakumpleto na ang mga teams na maghaharap harap para sa Men’s Olympic Basketball Tournament sa Paris. France simula July 27 – August 10, 2024.
Ito ay matapos ang simultaneous FIBA Olympic Qualifying Tournaments na ginanap naman sa apat na magkakaibang mga bansa ng Spain, Latvia, Greece at Puerto Rico nito lamang July 2–7, 2024 kung saan sa bawat mga bansang nabanggit ang mga magkakampeon lamang sa bawat kani-kanilang mga tournament ang makakakuha ng Olympic slot.
Kasama sa bracket ng mga naglaro sa Latvia ang Gilas Pilipinas at kasama nga nito ang mga bansang Montenegro, Georgia, Cameroon, host country na Latvia at ang masasabing dumaan sa butas ng karayom bago makuha ang Olympic slot na Brazil.
Bago makaabante patungong Paris ang mga nabanggit na mga bansa hinarap muna nila sa finals ng mga kanikanilang bracket ang kani kanilang mga katunggali kung saan hinarap at tinalo ng Brazil ang host Latvia 94 – 69; tinalo naman ng Spain ang Bahamas 86 – 78; tinalo naman ng Greece ang Croatia 80 – 69; at ang Puerto Rico naman ay tinalo ang Lithuania 79 – 68.
Makakasama ng Spain, Brazil, Greece at Puerto Rico ang iba pang mga bansang nauna ng nag qualify gaya ng power house USA, at Serbia, nariyan din ang magiging host country na France, kasama rin ang Japan, Australia, Canada, South Sudan, at ang FIBA World Cup Champions na Germany.
Kabilang sa mga sikat na manlalarong sigurado nang maglalaro para sa kanilang mga bansa ay sina Kevin Durant, Lebron James, at Stephen Curry para sa Team USA. Ibabandera naman ng host country na France ang kanilang twin tower combination sa katauhan nina Rudy Gobert at Victor Wenbanyama.
Kasama naman sa Team Canada sina Shai Gilgeous – Alexander at Jamal Murray habang nasa defending world cup champion na Germany ay nandyan ang Wagner brothers na sina Moritz at Franz kasama ang veteran point guard na si Dennis Schroder.
Inaabangan din ng karamihan sina Nikola Jokic at Bogdan Bogdanovic para sa Serbia; at pangungunahan naman ni Giannis Antetokounmpo ang Greece.
Para sa mga nag aabang ng mga schedule ng laro sa Paris Olympics Basketball Tournament, narito ang kumpletong listahan ng lahat ng mga laro sa group phase: pinaka unang laro ay Australia vs. Spain; susunod ang Germany vs Japan; at ang France vs Brazil lahat ng tatlong larong ito ay magaganap sa July 27, 2024. July 28 naman maglalaro ang Greece vs Canada; South Sudan vs Puerto Rico; at ang bakbakan ng Team USA vs Serbia. July 30 naman ang laro ng Spain vs Greece; Canada vs Australia; Japan vs France. July 31 naman ang Brazil vs Germany; at Puerto Rico vs Serbia. August 1 naman ang laro ng USA vs South Sudan. August 2 ay Japan vs Brazil; Australia vs Greece; Canada vs Spain; August 3 ay France vs Germany; Puerto Rico vs USA; August 4 ay Serbia vs South Sudan.