Umabot sa 180 pamilya na naapektuhan ng pagbaha ang nakatanggap ng family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Barangay Poblacion, Looc, Romblon noong Agosto 8.
Ipinamahagi ng Barangay Local Government Unit (BLGU) ng Poblacion ang mga food packs sa mga residenteng mula sa Sitio Sampaguita, Sanggutan at Maligaya na naapektuhan ng masamang panahon at pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan na pinalakas ng Habagat.
Isinagawa ang pamamahagi sa koordinasyon ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at sa pakikipagtulungan ng mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) Looc.
Bahagi ang relief distribution ng patuloy na pagtugon ng lokal na pamahalaan at mga katuwang na ahensya sa pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa bayan.



































Discussion about this post