Lalong paiigtingin ng Odiongan Municipal Police Station ang presensya nila sa iba’t ibang sulok ng bayan ng Odiongan, Romblon para masigurong ligtas ang bayan sa aksidente at krimen.
Ito ang ibinahagi ni Police Major Edwin Bautista ng makapanayam ng mga mamahayag nitong ika-6 ng Oktubre.
Aniya, dahil sa ginagawa nilang paghihigpit, nabawasan ang naitalang aksidente sa mga kalsada ng Odiongan.
Batay sa Crime Information Reporting and Analysis System (CIRAS), mula September 24 hanggang October 7 ay walang naitala na aksidente ng motorsiklo sa bayan.
Sinabi rin ni Bautista na may mga pulis na rin sa Odiongan na deputize ng Land Transportation Office para manghuli ng mga lumalabag sa Republic Act 4136.
Ilan pa sa mga sinisita ng Odiongan Municipal Police Station ay mga may open muffler, lumabag sa curfew at nag-illegal parking, lumabag sa smoking ordinance, at mga minor na nagmamaneho ng motorsiklo.