Nagsimula na noong February 28, ang limited face-to-face classes sa Concepcion Norte Elementary School sa bayan ng Sta Maria, Romblon.
Ito ay matapos makapasa sa validation and evaluation na isinigawa ng Department of Education MIMAROPA Monitoring and Evaluation Team ang paaralan noong nakaraang linggo.
Pinangunahan ng kanilang punong-guro na si August Imperial ang mga aktibidad na isinigawa sa unang araw ng pagbabalik ng klase.
Para masigurong ligtas ang mga bata sa Covid-19, may mga protocol na sinunod ang paaralan gaya ng temperature check, paghugas ng kamay, at laging pagsuot ng face masks.
Nagsagawa ng psychosocial support program, orientation of health protocols, at assessment on fundamental operations ang mga guro bilang kaagapay sa pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral.
Inaasahang madaragdagan ang bilang ng paaralan sa lalawigan na magbabalik eskwela sa susunod na mga araw.