Hinikayat ni Romblon Lone District Representative Eleandro “Budoy” Madrona ang mga bagong Licensed Professional Teachers (LPTs) na nagtapos sa Romblon State University (RSU) na huwag limitahan ang kanilang mga sarili at patuloy na hangarin ang mas malalaking oportunidad sa kanilang propesyon kasabay ng pagbati sa kanilang tagumpay sa Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT).
Sa ginanap na testimonial dinner ng mga bagong guro mula sa Romblon, sinabi ni Madrona na ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga pumapasang graduates ng RSU sa mga board examinations ay patunay ng pag-angat ng kalidad ng edukasyon sa lalawigan ng Romblon.
Hinimok din ng kongresista ang mga bagong guro na patuloy na paunlarin ang kanilang kakayahan at huwag matakot na sumubok ng mga bagong oportunidad.
“Huwag limitahan ang inyong mga sarili at sikaping abutin ang anumang pinakamatayog na kakayahan ninyo. Huwag matakot na lumabas at maghanap ng mas magagandang oportunidad,” ani Madrona.
Binigyang-diin din niya ang mahalagang papel ng mga guro sa paghubog ng kinabukasan ng mga kabataan at ng buong lipunan.
Ayon sa kongresista, sa mga guro nagsisimula ang paghubog sa lahat ng propesyon at nananatili silang matibay na sandigan sa paglinang ng kaalaman, kakayahan, at pagpapahalaga ng susunod na henerasyon.



































Discussion about this post