May 26,880 na ang nakatapos na ng Step 2 ng Philippine Identification System (PhilSys) sa lalawigan ng Romblon simula ng ito ay inilunsad noong Hunyo.
Ito ang ibinahagi ni Philippine Statistics Authority – Romblon OIC Johnny Solis sa Philippine Information Agency – Romblon nitong ika-4 ng Nobyembre.
Base sa kanilang datus, pinakamarami ang nagparehistro sa tulong ng kanilang mga barangay kung saan umabot sa 16,676 ang bilang nito sa buong lalawigan.
May 283 naman ang nagparehistro online gamit ang website ng Philsys.
May 9773 naman ang nag-walk in lamang at 148 naman ang institutional.
Pinakaraming nakapag-rehistro ay residente ng bayan ng Romblon na may bilang na 13,675 at sinunda naman ng Odiongan na may 12,912.
Inaanyayahan parin ng PSA Romblon ang publiko na magpa rehistro na sa Philsys para makakuha ng National ID.
Pumunta lamang sa https://www.philsys.gov.ph/ para sa Step 1, at magpa-schedule para naman sa Step 2.