Ngayong araw, September 15, ay inilunsad ng HungryBear ang pagbubukas operasyon nito sa dalawang katabing bayan ng Odiongan, ang San Andres at Ferrol. Ito ay tugon ng kauna-unahang food delivery service ng Odiongan sa tumataas na demand ng food delivery sa mga karatigbayan.
Alinsunod ito sa layunin ng HungryBear na makapagbigay serbisyo hindi lamang sa Odiongan maging sa ibang bayan ng Romblon lalo na sa mga panahong kagaya nito.
“Kami po sa HungryBear ay taos pusong nagpapasalamat sa supporta at malugod na pagtanggap ating mga kababayan dito sa tablas. Sa kasalukuyan po ay patuloy naman ating paghahanda sa pagbubukas ng operasyon sa bayan ng Looc sa darating na buwan,” pahayag ng kanilang Marketing Head na si Kaynan Galicha.
Matatandaang pinalawig rin noong nakaraang linggo ang oras ng kanilang delivery operation hanggang alas nuebe ng gabi.
Samantala, umakyat na sa mahigit 4000+ ang bilang ang naserbisyuhan ng HungryBear sa loob lamang ng maikling panahon kabilang na ang ilan sa mga kababayan nating Odionganon na nasa Metro Manila maging sa ibang bansa katulad ng Middle East, Australia, Canada at US.
Isa ang Surprise Delivery sa madalas ibook ng ating mga kababayang malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.
Sa ngayon, umaabot na ng mahigit limampu ang kasalukuyang bilang ng official partner stores ng HungryBear, patunay sa lumalawak na serbisyo ng HungryBear sa restaurant businesses at consuming public sa Odiongan at pangkalahatang Romblon.