Umabot sa 6,000 kilo ng bigas ang naibenta ng Department of Agriculture–Agribusiness and Marketing Assistance Division (DA-AMAD) sa mga benepisyaryo sa mga bayan ng San Agustin at Odiongan sa ilalim ng programang “Benteng Bigas Meron Na!”
Isinagawa ang rollout ng programa sa San Agustin noong Hulyo 28, kung saan 3,000 kilo ng bigas ang ipinagbili sa halagang ₱20 kada kilo para sa mga kuwalipikadong benepisyaryo mula sa mahihirap at vulnerable sectors, kabilang ang mga senior citizen, solo parents, persons with disabilities (PWDs), minimum wage earners, at mga indigent families.


































