Kung sakaling may grupong kakatok sa bahay niyo para tingnan di umano ang tangke ng inyong LPG (liquefied petroleum gas) para masigurong walang leak, magbakasakali na kayo dahil ilang residente ng Barangay Linao sa Calatrava ang napabayad ng P4,000 ng wala sa oras.
Binisita umano sila ng grupo na nagpakilalang mga safe inspector mula sa isang fire prevention team at sinabi sa kanilang may leak ang kanilang LPG tank kaya dapat umanong palitan ng regulator at hose.
Napapayag ang ilang residente ng nasabing barangay na magbayad ng P4,000 para sa regulator at hose na mabibili mo lang ng wala pang P500 sa bayan.
Nakumbinsi sila ng mga di umanoy safe inspector dahil ang mga regulator na dala umano nila ay may safety lock o kusang papatay kung sakaling ma-detect na may leak ang kanilang tangke ng LPG.
Wala pang pahayag ang Bureau of Fire Protection kaugnay rito ngunit ang kanilang opisina ay kadalasang nagsasagawa ng fire prevention campaign na katulad nito tuwing Marso kung saan ginugunita ang Fire Prevention Month.
Sakaling makaengkuwentro ng ganitong estilo, tandaang huwag basta-basta magpapasok ng mga estranghero sa inyong bahay, alamin agad ang pakay ng mga ito.
Ikalawa, kung nagpapakilalang fire prevention team alamin agad kung may endorso ang Bureau of Fire sa inyong munisipyo o city hall o di kaya ay kung may mga identification card. Mas makabubu-ting tawagan ang mga nabanggit na opisina upang makasigu-rong pinahihintulutan nila ito.
Ikatlo, maging maingat sa pagbili ng mga device na ikakabit sa inyong kalan. Siguraduhing aprubado ito ng Department of Trade and Industry at ng Bureau of Products and Standards. At pang huli, tumawag nang maraming kapitbahay kung magde-demo ito sa loob ng inyong bahay, para kahit anong balak na masama ng mga ito ay hindi maisasagawa basta-basta.