Isang embalsamador ang naaresto sa bayan ng Odiongan, Romblon nitong Biyernes ng hapon matapos mahuli sa isang anti-illegal drug buy-bust operation na isinagawa ng pulisya.
Ayon sa Odiongan Municipal Police Station, ang 33-anyos na suspek ay nabilhan ng isang poseur-buyer na pulis ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa halagang ₱1,000.
Bukod sa nabili ng poseur-buyer, nakuha rin sa suspek ang tatlo pang sachet ng pinaghihinalaang shabu matapos ang isinagawang body search.
Sa panayam ng Romblon News Network, inamin ng suspek na gumagamit siya ng iligal na droga upang hindi antukin habang nasa trabaho.
Ang suspek, kasama ang mga nakumpiskang ebidensya, ay dinala na sa Romblon Provincial Crime Laboratory Office para sa pagsusuri.
Mahaharap ang embalsamador sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.