Nabahura sa karagatang sakop ng Romblon, Romblon ang barkong MV Maria Oliva ng Montenegro Shipping Lines Inc. habang ito ay naglalayag mula San Agustin, Romblon patungong Romblon, Romblon madaling araw ng November 11.
Ayon sa Coast Guard Station Romblon, ang barko ay may sakay na 156 na pasahero, 38 crew members, at 26 na cargoes.
Ang mga pasaherong sakay ng barko ay naibaba na sa pantalan ng Philippine Coast Guard sa tulong ng Romblon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
Sinabi ng Coast Guard na ligtas naman ang lahat ng sakay ng barko. Itinurn-over na sila sa MDRRMO Romblon para suriin ang kanilang kalusugan.
Samantala, sinabi ng PCG na patuloy nilang binabantayan ang barko at nakikipag-ugnayan na sa crew nito para agarang maialis sa pagkakabahura.
Wala naman umanong nakitang oil spill sa paligid sa ng barko ang PCG.