Inaprubahan ng Provincial Development Council (PDC) ng lalawigan ng Romblon ang mahigit ₱3 bilyong pondo para sa Annual Investment Program (AIP) ng lalawigan para sa taong 2027.
Batay sa dokumentong tinalakay sa ginanap na PDC Meeting sa Pasay City nitong May 28, umaabot sa mahigit ₱3.4 bilyon ang nakapaloob sa Annual Investment Program para sa 2027. Mas mataas ito kumpara sa ₱2.2 bilyong AIP na inaprubahan ng PDC para sa taong 2026.
Kabilang sa naturang pondo ang halos ₱382 milyon na inilaan para sa iba’t ibang proyekto at programa ng pamahalaan kabilang ang mga infrastructure projects sa lalawigan.
Ang Provincial Development Council ay binubuo ng mga lokal na opisyal kabilang ang gobernador, mga alkalde, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, mga kinatawan ng national government agencies, civil society organizations, at iba pang development stakeholders sa lalawigan.
Matapos maaprubahan ng PDC, isusumite naman ang Annual Investment Program sa Sangguniang Panlalawigan ng Romblon para sa concurrence at pinal na pag-apruba bago ito maipatupad ng pamahalaang panlalawigan.
Ang Annual Investment Program ay nagsisilbing gabay ng pamahalaang panlalawigan sa pagpapatupad ng mga proyekto at paggastos para sa mga pangunahing serbisyo at development programs sa lalawigan.


































Discussion about this post