Tinanggihan ng Barangay Local Government Unit ng San Fernando ang kahilingan ng Altai Philippines Mining Corporation para sa endorsement kaugnay ng operasyon ng pagmimina sa isla matapos ang botong 5-4 ng konseho ngayong araw.
Kinumpirma ni Barangay Captain Marie Ann Roldan sa panayam ng Romblon News Network na hindi inaprubahan ng konseho ang hiling ng mining firm.
Matatandaang noong Mayo 4 ay pansamantalang ipinagpaliban ng barangay council ang pagtalakay sa usapin upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng kapistahan sa Barangay España.
Sa isinagawang botohan, nanaig ang mga konsehal na tumututol sa pagbibigay ng endorsement para sa mining operation sa lugar.
Kasabay ng sesyon ng konseho, nagtipon sa harap ng Barangay Hall ang mga residenteng may magkakaibang paninindigan kabilang ang mga tutol at sumusuporta sa pagmimina upang ipahayag ang kani-kanilang posisyon sa usapin.
Nagdiwang naman ang mga residenteng kontra sa pagmimina matapos malaman ang resulta ng botohan.
Ang endorsement ng barangay ay isa sa mga kinakailangang dokumento sa proseso ng mga aplikasyon at operasyon kaugnay ng pagmimina sa isang lugar.



































Discussion about this post