Pormal nang nilagdaan ng Department of Education at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon ang isang Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagpapatayo ng mga bagong silid-aralan sa lalawigan na nagkakahalaga ng ₱53 milyon.
Isinagawa ang ceremonial signing sa DepEd Central Office sa Makati City sa pagitan nina Aurelio Bartolome at Trina Alejandra Firmalo-Fabic.
Ayon sa Provincial Information Office, kinilala ng DepEd Central Office ang Romblon bilang isa sa mga pinakaunang probinsya na nakapagsumite ng mga kinakailangang dokumento para sa proyekto dahil sa mabilis na koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng DepEd.
Sa ilalim ng kasunduan, ang DepEd ang magpopondo sa proyekto habang ang Pamahalaang Panlalawigan naman ang mangangasiwa sa implementasyon ng pagpapatayo ng mga silid-aralan sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.
Layunin ng proyekto na madagdagan ang mga pasilidad pang-edukasyon sa Romblon upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral at paaralan sa lalawigan.


































Discussion about this post