May aabot sa 53 rehistradong mangingisda mula sa iba’t ibang barangay ng Romblon ang nakatanggap ng tig-iisang set ng 300 metrong lambat o fish nets na may kasamang sinker o pabigat, nylon cord, at rubber floater mula sa Municipal Agriculture Office (MAO) sa pangunguna ni Mayor Gerard Montojo nitong Miyerkules, ika-25 ng Setyembre.
Ayon kay Raymund Juvian Moratin, Municipal Agriculturist ng Romblon, layunin ng pamamahaging ito na tulungan ang mga mangingisda ng Romblon na pataasin ang dami ng kanilang huli upang tumaas din ang kanilang kita tuwing sila’y pumapalaot.
“Yearly kasi, simula Enero, nagsisimula na kami ng fisherfolk registration… kasama na ang registration ng pukot [o lambat], kaya doon kami nag-focus,” pahayag ni Marin kung paano nagkaroon ng pagpili para sa mga benepisyaryo.
Dagdag pa niya, naging batayan ng MAO ang unang 53 na mangingisda na nagparehistro sa pamamagitan ng Fisherfolk Registration System (FishR) sa lokal na pamahalaan simula Enero ng kasalukuyang taon.