Aabot sa 392 na Romblomanon ang sumalang sa pagsusulit ng Professional Regulations Commission (PRC) para sa Licensure Exam for Professional Teachers (LEPT) nitong Setyembre 29, 2024.
Ang pagsusulit ay isinagawa sa Romblon National High School, kung saan 111 sa mga examinees ang kumuha ng exam para sa Elementarya, habang 281 naman ang sumubok para sa Sekondarya.
Ayon sa mga ulat, ang Romblon National High School ay nagbigay ng maayos na pasilidad at mga kinakailangang paghahanda upang matiyak ang komportable at tahimik na kapaligiran para sa mga examinees.
Kitang-kita ang determinasyon ng mga ito habang naghahanda sa isang mahalagang hakbang tungo sa kanilang pangarap na maging ganap na guro.
Pinili ang Romblon bilang testing center dahil sa pagiging mas accessible nito para sa mga Romblomanon mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan, ayon sa Romblon Public Service Employment Office.