Sa layanuning masugpo at mapigilan ang paggamit sa mga delivery courier services, pumirma nitong Martes sa isang kasunduan ang lokal na pamahalaan ng Romblon at ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Romblon.
Dumalo sa pirmahan ng memorandum of agreement sina PDEA Romblon Provincial Officer Rommela Colis, Mayor Gerard Montojo, Romblon PNP Chief Gemie Mallen, at kinatawan ng Coast Guard Station Romblon.
Sa ilalim ng MOA, ang PDEA at ang mga forwarding at trucking services ay magtutulungan sa isa’t isa para malabanan ang pagpupuslit ng iligal na droga.
Nararapat rin umano na magbahagian ang mga trucking services ng best practices sa paglaban sa problemang ito.
Hindi lang droga ang target na mapigilan kundi ang mga controlled precursors and essential chemicals o CPECs.
Nangako rin ang mga pumirma sa kasunduan na makikipagtulungan sila sa PDEA sa gagawing imbestigasyon ng ahensya kung sakaling kailanganin.