Isang ginang sa Odiongan, Romblon na nasawi nitong Biyernes ang kinakitaan ng sintomas ng rabies.
Ayon sa Odiongan Public Information Office, kinuhaan na ng sample ang nasawi at ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine para sa confirmatory test.
Pinaalalahanan naman ang publiko na pupunta sa Barangay Tulay at Amatong, na nakitaan ng mga kaso ng rabies sa aso ang, na umiwas na magkaroon ng contact sa mga galang aso at pusa.
Dahil sa tumataas na kaso ng rabies sa mga aso at pusa, tuloy-tuloy ang ginagawang anti-rabies vaccination ng Municipal Agriculture Office sa mga barangay para mabakunahan ang lahat ng mga alaga.
Ayon sa mga eksperto, dapat umanong bantayan ang aso kung sakaling nangagat ito at ipag-alam sa Municipal Agriculturists Office kung makitaan ng sintomas ng rabies gaya ng pagiging agresibo, abnormal na pagkain, paglalaway, sensitibo sa mga galaw, at kung mamatay ang aso.