Labin-isang grupo ng mga kababaihan sa lalawigan ng Romblon ang nakatanggap ng livelihood assistance mula sa pamahalaang panlalawigan kasabay nang paggunita sa Women’s Month.
Ang grupo na binubuo ng Progressive Women’s League-Romblon at Kalipunan ng Liping PIlipina ay nakatanggap ng P100,00 bawa’t munisipyo.
Pinangunahan ni Gender and Development focal person Atty. Lisette Mortel kasama si Governor Jose Riano, Vice Govenor Arming Gutierrez at Sangguniang Panlalawigan members Bing Solis at Nene Solis.
Ang mga nasabing livelihood assistance ay ipinagkaloob sa mga presidente ng mga grupo para siyang gagamitin sa pagsisimula ng negosyo ng kanilang grupo ng mga kababaihan.
Sa mensahe ni Governor Jose Riano sa turn-over ceremony ng mga cheke sinabi nito na ang pondo ay para magamit ng grupo sa mga proyekto nila.
“Ako ay nagagalak na may ganitong proyekto sa ilalim ng Gender and Development ng ating probinsya. Sa tulong ng ordinansang ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan na naglalayong paigtingin pa ang karapatan ng mga kababaihan na magkaroon ng pagkapantay-pantay sa lipunan at lalong higit na sila’y matulungan,” pahayag ng gobernador.
Hiling nito sa mga grupo na palaguin nila ang kanilang mga papasuking negosyo, at sana umano ay mas maraming makinabang na kanilang miyembro.