Aabot sa 1,331 na Romblomanon ang nakinabang sa isinagawang facilitated SIM (Subscriber Identity Module) registration ng National Telecommunications Commission (NTC) Mimaropa katuwang ang Smart Telecom at Globe Telecom nitong nakalipas na tatlong araw sa Tablas Island.
Ayon kay Engr. Milagros Bersamina ng NTC Mimaropa, 313 ang natulungan nilang magparehistro sa Alcantara, 518 sa Looc, at 500 sa Odiongan mula February 14 hanggang 16.
Ang facilitated sim registration na inoorganisa ng NTC ay naglalayong bigyan ng pagkakatoan ang mga nasa geographically isolated and disadvantaged areas o GIDA na mairehistro ang kanilang simcard bago matapos ang 180 days deadline base sa SIM Registration Act.
Mindoro at Palawan ang sunod na pupuntahan ng NTC para sa parehong aktibidad.
Para naman sa mga hindi nakaabot sa facilitated sim registration ng NTC, sinabi ni Engr. Bersamina na maari paring magparehistro ang publiko sa mga website ng mga telco companies: