Namahagi ang Pamahalaang Lokal ng San Jose ng karagdagang school supplies sa mga mag-aaral na hindi benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) bilang bahagi ng programa nito sa pagsuporta sa edukasyon ng mga kabataan sa bayan.
Pinangunahan ni Mayor Ronnie Samson ang pamamahagi ng school supplies sa mga mag-aaral ng San Jose Agricultural High School, Lindero Integrated School, at Pinamihagan National High School.
Isinagawa ang programa sa pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa ilalim ng 1% Local Council for the Protection of Children (LCPC) Fund.
Layunin ng inisyatiba na mabigyan ng karagdagang suporta ang mga mag-aaral na hindi saklaw ng 4Ps upang magkaroon sila ng mga pangunahing gamit sa pagpasok sa paaralan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ang programa ng patuloy nitong pagsisikap na suportahan ang edukasyon at kapakanan ng mga kabataan sa San Jose.



































Discussion about this post