Upang maging masinop sa paghawak ng pera, sinanay ng mga kawani ng Romblon State University ang ilang grupo ng magsasaka sa bayan ng Looc, Romblon kamakailan.
Sa nasabing pagsasanay ay tinuruan ang mga magsasaka ng bayan kung paano magagamit ang tamang pera mula sa kanilang kinikita sa pagsasaka maging sa pagnenegosyo.
Tinuruan rin sila ng entrepreneurial mind setting na makatutulong sa mga dumalo upang matukoy ang pinakamagandang oportunidad sa pagnenegosyo at kung paano nila gawing matagumpay ang kanilang negosyo.
Kalahok sa nasabing programa ang mga magsasaka at mangingisda sa bayan.
Bukod pa rito, nagkaroon din ng pagkakataon na magbahagi ang mga kalahok ng kanilang business learning experience, mga ideya’t pananaw sa pagnenegosyo.