Umabot sa 400 benepisyaryo ang tumanggap ng food assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa isinagawang assessment at payout activity nitong August 5 sa Cajidiocan, Romblon.
Ayon sa Cajidiocan Public Information Office, ang naturang aktibidad ay naglalayong matulungan ang mga pamilyang nasa krisis o may agarang pangangailangan sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan. Karamihan sa mga benepisyaryo ay mula sa mga low-income households, senior citizens, solo parents, at iba pang sektor na itinuturing na vulnerable sa komunidad.
Isinagawa ang pamamahagi sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Senador Vicente Sotto III bilang bahagi ng patuloy na programa ng DSWD na naglalayong magbigay ng agarang suporta sa mga pamilya at indibidwal na nangangailangan.
Ang food assistance ay inaasahang makatutulong upang maibsan ang agarang gastusin ng mga benepisyaryo sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ang naturang aktibidad ng patuloy na pagpapatupad ng mga programang naglalayong makapaghatid ng direktang serbisyo at tulong sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa bayan.
Dagdag pa nila, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga national agencies upang mas mapalawak pa ang saklaw ng mga serbisyong panlipunan para sa mga residente ng Cajidiocan.



































Discussion about this post