Isinagawa noong Lunes hanggang kahapon sa bayan ng Looc ang pagsasanay kaugnay sa Population and Development Program Localization Strategies and Mechanisms at pagsasanay sa pagpapatakbo ng teen center.
Pinangunahan ito ng Commission on Population and Development Romblon.
Layunin ng programa na mabigyan ng kaalaman at pagsasanay ang mga miyembro ng Population and Development Technical Working Group ng Looc at Sta. Fe patungkol sa iba’t-ibang mga estratehiya sa pamamahala ng populasyon, lalo na sa pagpaplanong pang-edukasyon tungkol sa family planning at iba pa.
Bukod dito ay upang tugunan din ang mga pangangailangan ng lumalaking populasyon ng mga nabanggit na bayan.
Naging tagapagsalita sa program si Reynaldo Wong, Regional Director ng Popcom Mimropa, kasama sina Population Development and Coordinators (PPDC) coordinators Mary Joselie Famisan at Sean Jan Castillo.