Pasado na sa Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang SIM Card o Subscriber Identity Module Card Registration Bill.
Nakakuha ng botong 250 pabor rito para maaprubahan ang House Bill no. 14.
Ang pagkakapasa rito ay sa gitna ng nagkalat na text scam at iba pang illegal na aktibidades gamit ang mga mobile numbers.
Alinsunod sa panukala ang bawat authorized seller ay oobligahin ang SIM card subscriber, Pilipino man o dayuhan, na iparehistro ang kanilang mga simcard.
Anumang impormasyon sa pagpapatala ng dokumento ay ituturing na confidential.
Ang mga SIM cards na naibenta na bago pa maging epektibo ang batas ay sakop rin ng batas.