Isinagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) Romblon, katuwang ang lokal na pamahalaan ng San Agustin, ang dalawang araw na Technology and Enterprise Development Seminar on Coconut Value-Adding for Coconut Farmers bilang bahagi ng Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP).
Layunin ng aktibidad na mabigyan ang mga magniniyog ng karagdagang kaalaman sa pagpapaunlad ng industriya ng niyog, mga oportunidad sa negosyo, at mga teknolohiya sa pagproseso ng niyog at mga by-product nito tungo sa mga produktong may mas mataas na halaga.
Sa unang araw ng seminar, tinalakay ang CFIDP at isinagawa ang mga technology demonstration sa paggawa ng coco jam, coco peanut spread, coco milk coffee candy, at coconut shell handicrafts.
Samantala, tampok naman sa ikalawang araw ang hands-on demonstrations sa paggawa ng iba't ibang baked coconut products tulad ng coconut cookies, coco chocolate jam, buko tart, at coconut crackers, pati na rin ng coconut-based beverages gaya ng coffee latte, coconut mojito mocktail, golden, at coconut matcha.
Tinalakay rin sa mga kalahok ang costing, pricing, return on investment (ROI), at financial management upang matulungan silang makapagplano at makapagpatakbo ng sariling coconut-based enterprises.
Ibinahagi rin ng DTI, Department of Science and Technology (DOST), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at LGU San Agustin ang iba't ibang programa at serbisyong maaaring mapakinabangan ng mga coconut farmers.
Sa pamamagitan ng naturang seminar, layon ng DTI Romblon at mga katuwang nitong ahensya na matulungan ang mga magniniyog na maproseso ang mga lokal na produktong niyog tungo sa mga produktong may dagdag na halaga, mas malawak na merkado, at karagdagang oportunidad sa pagkakakitaan.



































Discussion about this post