Patuloy na nagsasagawa ang Department of Trade and Industry (DTI) Romblon ng mga programa para sa pagsasanay at pagpapalawak ng kaalaman ng mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa lalawigan.
Sa ginanap na Kapihan sa PIA Romblon, sinabi ni DTI Romblon Provincial Director Orville Mallorca na kabilang sa mga programang ipinatutupad ng ahensya ang Kapatid Mentor ME (KMME) Program.
Ayon kay Mallorca, mayroon nang 15 MSME graduates ng programa sa Romblon ngayong taon, habang may mga susunod pang kalahok na nakatakdang makatapos.
Isinasagawa online ang KMME Program, na nilalahukan ng mga MSME mula sa iba't ibang bahagi ng lalawigan at mula sa iba't ibang sektor ng negosyo.
Bukod dito, mayroon ding digitalization program ang DTI Romblon katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT). Isinasagawa ito sa pamamagitan ng caravan-type implementation sa iba't ibang bayan upang magbigay ng pagsasanay sa MSMEs kaugnay ng digitalization at e-commerce.
Sa e-commerce program, umabot na sa 1,412 MSMEs sa Romblon ang nabigyan ng pagsasanay ngayong taon.
Ayon kay Mallorca, mahalagang magkaroon ng mga training at capacity-building activities para sa mga MSME owners bilang bahagi ng pagpapaunlad at pagpapalawak ng kanilang mga negosyo.
Ang mga naturang programa ay bahagi ng mga serbisyong inilalapit ng DTI at iba pang ahensya ng pamahalaan sa mga negosyante sa lalawigan.



































Discussion about this post