Kabuuang 8,715 pamilya sa mga bayan ng Calatrava at Santa Fe, Romblon ang nakatanggap ng ayuda na bigas sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF) ng pambansang pamahalaan.
Sa Calatrava, humigit-kumulang 3,780 pamilya mula sa pitong barangay ang tumanggap ng tig-10 kilo ng bigas noong Agosto 21 bilang bahagi ng ikalawang batch ng rice assistance program ng munisipyo.
Ayon kay Calatrava Mayor Robert “Bong” Fabella, ipinamahagi ang ayuda sa mga kwalipikadong pamilya sa mga barangay na sakop ng kasalukuyang batch. Inaasahan namang isasagawa sa Oktubre ang ikatlong batch ng pamamahagi.
Samantala, 4,935 pamilya sa Santa Fe ang tumanggap ng tig-15 kilo ng bigas noong Agosto 19 sa ilalim ng rice subsidy program ng lokal na pamahalaan na pinondohan sa pamamagitan ng LGSF.
Ayon kay Vice Mayor Cean Madrid Punzalan, ito na ang ikalawang batch ng pamamahagi ng bigas sa kanilang bayan. Mula nang simulan ang programa noong Hunyo, kabuuang 20 kilo ng bigas na ang natanggap ng bawat benepisyaryong pamilya.
Ang rice assistance programs ay bahagi ng mga programang ipinatutupad ng mga lokal na pamahalaan gamit ang pondo mula sa LGSF upang makatulong sa pagtugon sa pangangailangan sa pagkain ng mga pamilya.



































Discussion about this post