Nagpahayag ng pagkadismaya si Cajidiocan Mayor Greegy Ramos sa halos 10 oras na pagkawala ng kuryente sa Isla ng Sibuyan nitong August 26, kasabay ng panawagan sa Romblon Electric Cooperative (ROMELCO) na pagbutihin ang serbisyo at mag-upgrade ng mga kagamitan nito.
Sa isang pahayag na inilathala sa kanyang opisyal na Facebook page bandang alas-3:00 ng madaling araw, sinabi ni Ramos na matagal nang nararanasan ng mga residente ang mga problema sa suplay ng kuryente, kabilang ang mga aniya'y madalas na pagkawala at pagbabalik ng serbisyo.
Nanawagan din ang alkalde sa pamunuan ng ROMELCO na dagdagan ang manpower at pagbutihin ang mga kagamitan upang mapabilis ang pagtugon sa mga sira sa linya ng kuryente.
Binigyang-diin din ni Ramos na bilang isang electric cooperative at public utility service, dapat umanong maging bukas ang kooperatiba sa mga hinaing at komento ng mga consumer.
Samantala, ipinaliwanag ng ROMELCO sa inilabas nitong emergency power interruption notice na ang mahabang pagkawala ng kuryente sa Sibuyan ay dulot ng pagkasunog ng cut-out ng isang poste sa bahagi ng Gutosan, Azagra, San Fernando.



































Discussion about this post