Nakaramdam ng mahinang pagyanig ng lupa ang ilang bahagi ng Santa Maria, Romblon pasado alas-8 ng gabi nitong August 22.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, magnitude 1.9 na lindol ang naitala sa layong 9km NE ng Santa Maria.
Tectonic ang tinuturong dahilan ng Phivolcs kung bakit nagkaroon ng pagyanig ng lupa sa lugar.
ADVERTISEMENT
Walang inaasahang damages at aftershocks sa nasabing lindol.