Pinangunahan ni Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero De Vera III ang isinagawang Padyakalikasan sa Tablas Island, Romblon nitong nakalipas na weekend.
Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng pagbibisekleta mula Odiongan patungong Romblon State University (RSU) San Andres Campus kung saan nagkaroon ng isang tree planting activity.
Aabot sa mahigit 100 mga bikers ang nakilahok sa aktibidad.
Nakilahok rin sa Padyakalikasan ang mga empleyado ng CHED Mimaropa at maging mga kawani ng iba’t ibang campus ng Romblon State University.
Layunin ng aktibidad na maalala ang kahalagahan ng kalikasan para narin namabawasan ang pollution na sumisira sa mundo.