Ipinagkaloob kamakailan ng Department of Energy (DOE) sa Pamahalaang Panlalawigan at sa Tablas Island Electric Cooperative, Inc. (TIELCO) ang updated na energy plan ng probinsya.
Pinangunahan ni Director Michael Sinocruz ng DOEs Policy and Energy Planning Bureau ang nasabing turn-over ceremony na ginanap sa opisina ng TIELCO at sa DOBs Events Place sa Odiongan.
Sa ginanap na seremonya, tinanggap nina Romblon Governor Jose Riano at ni TIELCO General Manager Dennis Alag ang mga nabanggit na plano.
Ang nasabing energy plan ay bunga ng masusing pag-aaral sa energy roadmap ng probinsya para sa susunod na 20 taon.
Mahalaga umano ito para sa developmental plan ng mga electric companies maging ng pamahalaang panlalawigan lalo na pagdating sa investment, outlook ng energy at oil supply security.
Nakapaloob rin sa nasabing energy plan ang planong pagkuha ng TIELCO ng kuryente sa Visayan Grid sa pamamagitan ng submarine cable mula Boracay patungong San Jose at Sta. Fe.