Pinawalang-sala ng Fourth Division ng Sandiganbayan si dating Romblon Congressman Perpetuo Ylagan at dalawang kasama nito sa paratang na falsification of documents na may kaugnayan sa isang kaso na nagmula sa di-umano’y irregular na paghahatid ng likidong pataba noong 2004.
Ayon sa Sandiganbayan, nabigo ang prosecution na patunayan ang kanilang guilt beyond reasonable doubt.
Kasama na pinawalang-sala ng Sandigan ay sina dating provincial agriculturist Geishler Fadri, at Senior Agriculturist Oscar Galos.
Matatandaang inakusahan ang mga kinasuhan na nakatanggap umano ng 2,000 bote ng liquid fertilizer mula sa National Organization for Agricultural Enhancement and Productivity Inc. ng Department of Agriculture’s Farm Inputs and Farm Implements Program noong 2004, kahit wala naman umanong nangyaring delivery.